1At nanalangin si Ana, “Nagagalak ako saʼyo Panginoon! Dahil sa inyong ginawa, hindi na ako mahihiya. Tinatawanan ko ngayon ang aking mga kaaway, sapagkat nagagalak ako sa pagliligtas nʼyo sa akin.
2“Walang ibang banal maliban saʼyo Panginoon; wala kayong katulad; walang Batong kanlungan na tulad mo aming Diyos.
3“Walang sinumang makapagyayabang dahil alam ng Panginoong Diyos ang lahat ng bagay, at hinahatulan niya ang mga gawa ng tao.