1 Samuel 2

“Walang sinumang makapagyayabang dahil alam ng Panginoong Diyos ang lahat ng bagay, at hinahatulan niya ang mga gawa ng tao.

1 Samuel 2:3 (UKJV) Talk no more so exceeding proudly; let not arrogancy come out of your mouth: for the LORD is a God of knowledge, and by him actions are weighed.

1At nanalangin si Ana, “Nagagalak ako saʼyo Panginoon! Dahil sa inyong ginawa, hindi na ako mahihiya. Tinatawanan ko ngayon ang aking mga kaaway, sapagkat nagagalak ako sa pagliligtas nʼyo sa akin.

2“Walang ibang banal maliban saʼyo Panginoon; wala kayong katulad; walang Batong kanlungan na tulad mo aming Diyos.

3“Walang sinumang makapagyayabang dahil alam ng Panginoong Diyos ang lahat ng bagay, at hinahatulan niya ang mga gawa ng tao.

4Nililipol niya ang mga makapangyarihan, ngunit pinalalakas niya ang mahihina.

5Ang mayayaman noon, ngayon ay nagtatrabaho para lang may makain. Ngunit ang mahihirap noon ay sagana na ngayon. Ang dating baog ay marami nang anak. Ngunit ang may maraming anak noon ay nawalan ng mga ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.