3“Walang sinumang makapagyayabang dahil alam ng Panginoong Diyos ang lahat ng bagay, at hinahatulan niya ang mga gawa ng tao.
4Nililipol niya ang mga makapangyarihan, ngunit pinalalakas niya ang mahihina.
5Ang mayayaman noon, ngayon ay nagtatrabaho para lang may makain. Ngunit ang mahihirap noon ay sagana na ngayon. Ang dating baog ay marami nang anak. Ngunit ang may maraming anak noon ay nawalan ng mga ito.
6May kapangyarihan ang Panginoon na patayin o buhayin ang tao. May kapangyarihan siyang ilagay sila sa lugar ng mga patay o kunin sila roon.
7Ang Panginoon ang nagpapadukha at nagpapayaman. Itinataas niya ang iba at ang ibaʼy kanyang ibinababa.