2Kaya pumunta si David at ang 600 niyang tauhan kay Haring Aquis ng Gat, na anak ni Maok.
3Doon sila tumira sa Gat sa pangangalaga ni Aquis, kasama ang kani-kanilang pamilya. Dinala ni David ang dalawa niyang asawa na si Ahinoam na taga-Jezreel at si Abigail na taga-Carmel, na biyuda ni Nabal.
4Nang mabalitaan ni Saul na tumakas si David at pumunta sa Gat, hindi na niya ito hinanap.
5Isang araw, sinabi ni David kay Aquis, “Kung naging mabuti po ako sa inyong paningin, maaari po bang sa isang bayan sa ibang lalawigan kami tumira? Hindi po kasi kami nararapat tumira rito sa lungsod na tinitirhan ninyo bilang hari.”
6Kaya nang araw na iyon, ibinigay sa kanya ni Aquis ang lugar ng Ziklag. Kaya hanggang ngayon sakop ito ng mga hari ng Juda.