1 Samuel 27

Kaya nang araw na iyon, ibinigay sa kanya ni Aquis ang lugar ng Ziklag. Kaya hanggang ngayon sakop ito ng mga hari ng Juda.

1 Samuel 27:6 (UKJV) Then Achish gave him Ziklag that day: wherefore Ziklag pertains unto the kings of Judah unto this day.

4Nang mabalitaan ni Saul na tumakas si David at pumunta sa Gat, hindi na niya ito hinanap.

5Isang araw, sinabi ni David kay Aquis, “Kung naging mabuti po ako sa inyong paningin, maaari po bang sa isang bayan sa ibang lalawigan kami tumira? Hindi po kasi kami nararapat tumira rito sa lungsod na tinitirhan ninyo bilang hari.”

6Kaya nang araw na iyon, ibinigay sa kanya ni Aquis ang lugar ng Ziklag. Kaya hanggang ngayon sakop ito ng mga hari ng Juda.

7Tumira si David sa teritoryo ng mga Filisteo sa loob ng isang taon at apat na buwan.

8Nang panahong iyon, sinalakay ni David at ng mga tauhan niya ang mga taga-Gesur, Gizrita at mga Amalekita. Mula pa noong una, ang mga taong itoʼy nakatira na sa lugar na malapit sa Shur papuntang Ehipto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.