5Isang araw, sinabi ni David kay Aquis, “Kung naging mabuti po ako sa inyong paningin, maaari po bang sa isang bayan sa ibang lalawigan kami tumira? Hindi po kasi kami nararapat tumira rito sa lungsod na tinitirhan ninyo bilang hari.”
6Kaya nang araw na iyon, ibinigay sa kanya ni Aquis ang lugar ng Ziklag. Kaya hanggang ngayon sakop ito ng mga hari ng Juda.
7Tumira si David sa teritoryo ng mga Filisteo sa loob ng isang taon at apat na buwan.
8Nang panahong iyon, sinalakay ni David at ng mga tauhan niya ang mga taga-Gesur, Gizrita at mga Amalekita. Mula pa noong una, ang mga taong itoʼy nakatira na sa lugar na malapit sa Shur papuntang Ehipto.
9Kapag sumasalakay sila David, pinapatay nila ang lahat ng lalaki at babae, at kinukuha ang mga tupa, baka, asno, kamelyo at pati na rin ang mga damit. Pagkatapos, bumabalik sila kay Aquis.