1 Samuel 27

Nang panahong iyon, sinalakay ni David at ng mga tauhan niya ang mga taga-Gesur, Gizrita at mga Amalekita. Mula pa noong una, ang mga taong itoʼy nakatira na sa lugar na malapit sa Shur papuntang Ehipto.

1 Samuel 27:8 (UKJV) And David and his men went up, and invaded the Geshurites, and the Gezrites, and the Amalekites: for those nations were of old the inhabitants of the land, as you go to Shur, even unto the land of Egypt.

6Kaya nang araw na iyon, ibinigay sa kanya ni Aquis ang lugar ng Ziklag. Kaya hanggang ngayon sakop ito ng mga hari ng Juda.

7Tumira si David sa teritoryo ng mga Filisteo sa loob ng isang taon at apat na buwan.

8Nang panahong iyon, sinalakay ni David at ng mga tauhan niya ang mga taga-Gesur, Gizrita at mga Amalekita. Mula pa noong una, ang mga taong itoʼy nakatira na sa lugar na malapit sa Shur papuntang Ehipto.

9Kapag sumasalakay sila David, pinapatay nila ang lahat ng lalaki at babae, at kinukuha ang mga tupa, baka, asno, kamelyo at pati na rin ang mga damit. Pagkatapos, bumabalik sila kay Aquis.

10Kapag itinatanong ni Aquis kung saan sila sumalakay nang araw na iyon, sinasabi nilang sinalakay nila ang Negeb sa Juda, o sa bahagi ng Negeb na tinitirhan ng mga Jerameelita o sa bahagi ng Negeb na tinitirhan ng mga Cineo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.