1 Samuel 27

Kapag sumasalakay sila David, pinapatay nila ang lahat ng lalaki at babae, at kinukuha ang mga tupa, baka, asno, kamelyo at pati na rin ang mga damit. Pagkatapos, bumabalik sila kay Aquis.

1 Samuel 27:9 (UKJV) And David stroke the land, and left neither man nor woman alive, and took away the sheep, and the oxen, and the asses, and the camels, and the apparel, and returned, and came to Achish.

7Tumira si David sa teritoryo ng mga Filisteo sa loob ng isang taon at apat na buwan.

8Nang panahong iyon, sinalakay ni David at ng mga tauhan niya ang mga taga-Gesur, Gizrita at mga Amalekita. Mula pa noong una, ang mga taong itoʼy nakatira na sa lugar na malapit sa Shur papuntang Ehipto.

9Kapag sumasalakay sila David, pinapatay nila ang lahat ng lalaki at babae, at kinukuha ang mga tupa, baka, asno, kamelyo at pati na rin ang mga damit. Pagkatapos, bumabalik sila kay Aquis.

10Kapag itinatanong ni Aquis kung saan sila sumalakay nang araw na iyon, sinasabi nilang sinalakay nila ang Negeb sa Juda, o sa bahagi ng Negeb na tinitirhan ng mga Jerameelita o sa bahagi ng Negeb na tinitirhan ng mga Cineo.

11Pinapatay nina David ang lahat ng lalaki at babae para walang makarating sa Gat at sabihin kung ano talaga ang ginawa nila. Ito ang madalas niyang ginagawa habang naroon siya sa teritoryo ng mga Filisteo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.