1 Samuel 27

Isang araw, sinabi ni David kay Aquis, “Kung naging mabuti po ako sa inyong paningin, maaari po bang sa isang bayan sa ibang lalawigan kami tumira? Hindi po kasi kami nararapat tumira rito sa lungsod na tinitirhan ninyo bilang hari.”

1 Samuel 27:5 (UKJV) And David said unto Achish, If I have now found grace in yours eyes, let them give me a place in some town in the country, that I may dwell there: for why should your servant dwell in the royal city with you?

3Doon sila tumira sa Gat sa pangangalaga ni Aquis, kasama ang kani-kanilang pamilya. Dinala ni David ang dalawa niyang asawa na si Ahinoam na taga-Jezreel at si Abigail na taga-Carmel, na biyuda ni Nabal.

4Nang mabalitaan ni Saul na tumakas si David at pumunta sa Gat, hindi na niya ito hinanap.

5Isang araw, sinabi ni David kay Aquis, “Kung naging mabuti po ako sa inyong paningin, maaari po bang sa isang bayan sa ibang lalawigan kami tumira? Hindi po kasi kami nararapat tumira rito sa lungsod na tinitirhan ninyo bilang hari.”

6Kaya nang araw na iyon, ibinigay sa kanya ni Aquis ang lugar ng Ziklag. Kaya hanggang ngayon sakop ito ng mga hari ng Juda.

7Tumira si David sa teritoryo ng mga Filisteo sa loob ng isang taon at apat na buwan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.