1 Samuel 29

Ngunit nagtanong ang mga pinuno ng mga Filisteo kay Aquis, “Ano ang ginagawa ng mga Hebreong iyan dito?” Sumagot si Aquis, “Ang taong iyan ay si David na opisyal ni Saul, na hari ng Israel. Mahigit isang taon ko na siyang kasama, at magmula noong tumakas siya kay Saul hanggang ngayon, wala akong nakitang masama na ginawa niya.”

1 Samuel 29:3 (UKJV) Then said the princes of the Philistines, What do these Hebrews here? And Achish said unto the princes of the Philistines, Is not this David, the servant of Saul the king of Israel, which has been with me these days, or these years, and I have found no fault in him since he fell unto me unto this day?

1Tinipon ng mga Filisteo ang lahat ng sundalo nila sa Afek, at ang mga Israelita naman ay nagkampo sa may bukal ng Jezreel.

2Habang nagmamartsa papunta sa labanan ang mga pinuno ng mga Filisteo kasama ang mga sundalo nilang nakagrupo nang isang daan at isang libo, nakasunod naman kina Haring Aquis sina David at ang kanyang mga tauhan.

3Ngunit nagtanong ang mga pinuno ng mga Filisteo kay Aquis, “Ano ang ginagawa ng mga Hebreong iyan dito?” Sumagot si Aquis, “Ang taong iyan ay si David na opisyal ni Saul, na hari ng Israel. Mahigit isang taon ko na siyang kasama, at magmula noong tumakas siya kay Saul hanggang ngayon, wala akong nakitang masama na ginawa niya.”

4Ngunit nagalit sa kanya ang mga pinuno ng mga Filisteo. Sinabi nila, “Pabalikin mo sila sa bayang ibinigay mo sa kanila. Hindi siya dapat sumáma sa atin sa pakikipaglaban. Baka kapag nakikipaglaban na tayo, tayo ang patayin niya para mawala ang galit ng kanyang amo sa kanya.

5Hindi baʼt siya ang pinarangalan ng mga babae sa Israel habang sumasayaw sila at umaawit ng, ‘Libo-libo ang napatay ni Saul, tig-sasampung libo naman ang kay David.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.