1 Samuel 29

Habang nagmamartsa papunta sa labanan ang mga pinuno ng mga Filisteo kasama ang mga sundalo nilang nakagrupo nang isang daan at isang libo, nakasunod naman kina Haring Aquis sina David at ang kanyang mga tauhan.

1 Samuel 29:2 (UKJV) And the lords of the Philistines passed on by hundreds, and by thousands: but David and his men passed on in the rear guard with Achish.

1Tinipon ng mga Filisteo ang lahat ng sundalo nila sa Afek, at ang mga Israelita naman ay nagkampo sa may bukal ng Jezreel.

2Habang nagmamartsa papunta sa labanan ang mga pinuno ng mga Filisteo kasama ang mga sundalo nilang nakagrupo nang isang daan at isang libo, nakasunod naman kina Haring Aquis sina David at ang kanyang mga tauhan.

3Ngunit nagtanong ang mga pinuno ng mga Filisteo kay Aquis, “Ano ang ginagawa ng mga Hebreong iyan dito?” Sumagot si Aquis, “Ang taong iyan ay si David na opisyal ni Saul, na hari ng Israel. Mahigit isang taon ko na siyang kasama, at magmula noong tumakas siya kay Saul hanggang ngayon, wala akong nakitang masama na ginawa niya.”

4Ngunit nagalit sa kanya ang mga pinuno ng mga Filisteo. Sinabi nila, “Pabalikin mo sila sa bayang ibinigay mo sa kanila. Hindi siya dapat sumáma sa atin sa pakikipaglaban. Baka kapag nakikipaglaban na tayo, tayo ang patayin niya para mawala ang galit ng kanyang amo sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.