1 Samuel 29

Tinipon ng mga Filisteo ang lahat ng sundalo nila sa Afek, at ang mga Israelita naman ay nagkampo sa may bukal ng Jezreel.

1 Samuel 29:1 (UKJV) Now the Philistines gathered together all their armies to Aphek: and the Israelites pitched by a fountain which is in Jezreel.

1Tinipon ng mga Filisteo ang lahat ng sundalo nila sa Afek, at ang mga Israelita naman ay nagkampo sa may bukal ng Jezreel.

2Habang nagmamartsa papunta sa labanan ang mga pinuno ng mga Filisteo kasama ang mga sundalo nilang nakagrupo nang isang daan at isang libo, nakasunod naman kina Haring Aquis sina David at ang kanyang mga tauhan.

3Ngunit nagtanong ang mga pinuno ng mga Filisteo kay Aquis, “Ano ang ginagawa ng mga Hebreong iyan dito?” Sumagot si Aquis, “Ang taong iyan ay si David na opisyal ni Saul, na hari ng Israel. Mahigit isang taon ko na siyang kasama, at magmula noong tumakas siya kay Saul hanggang ngayon, wala akong nakitang masama na ginawa niya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.