1 Samuel 30

Ngunit, may masasama at walang silbing mga tauhan si David na nagsabi, “Hindi sila dapat bigyan ng bahagi ng mga nasamsam natin sa mga Amalekita dahil hindi naman sila sumáma sa atin. Kunin na lang nila ang mga asawaʼt anak nila at umalis na sila.”

1 Samuel 30:22 (UKJV) Then answered all the wicked men and men of Belial, of those that went with David, and said, Because they went not with us, we will not give them ought of the spoil that we have recovered, save to every man his wife and his children, that they may lead them away, and depart.

20Pagkatapos, nakuha rin niya ang lahat ng tupa at baka, at pinauna ng mga tauhan niya ang mga hayop na ito sa harapan ng iba pang mga hayop habang sinasabi, “Ito ang mga samsam para kay David.”

21Nang makarating na sina David sa lambak ng Besor, sinalubong sila ng dalawandaan niyang tauhan na hindi nakasama dahil sa sobrang pagod. Lumapit sina David sa kanila at binati niya ang mga ito.

22Ngunit, may masasama at walang silbing mga tauhan si David na nagsabi, “Hindi sila dapat bigyan ng bahagi ng mga nasamsam natin sa mga Amalekita dahil hindi naman sila sumáma sa atin. Kunin na lang nila ang mga asawaʼt anak nila at umalis na sila.”

23Sumagot si David, “Mga kapatid, hindi tama ʼyan. Huwag ninyong ipagdamot ang ibinigay ng Panginoon sa atin. Iningatan niya tayo at tinulungang magtagumpay sa ating mga kaaway.

24Sino sa tingin ninyo ang makikinig sa inyo? Dapat bigyan ang lahat. Pareho lang ang bahagi ng mga nagpaiwan para magbantay sa kagamitan at ng mga sumáma sa labanan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.