1 Samuel 5

Dahil doon, ipinadala nila ang Kahon ng Diyos sa Ekron. Habang parating pa lang sila roon, nagrereklamo na ang mga mamamayan ng Ekron. Sinabi nila, “Dinala nila rito ang Kahon ng Diyos ng Israel para patayin din tayong lahat.”

1 Samuel 5:10 (UKJV) Therefore they sent the ark of God to Ekron. And it came to pass, as the ark of God came to Ekron, that the Ekronites cried out, saying, They have brought about the ark of the God of Israel to us, to slay us and our people.

8Kaya ipinatawag nila ang lahat ng pinuno ng mga Filisteo at nagtanong, “Ano ang gagawin natin sa Kahon ng Diyos ng Israel?” Sumagot sila, “Dalhin ito sa Gat.” Kaya dinala nila ang Kahon ng Diyos ng Israel sa Gat.

9Ngunit nang dumating ito roon, pinarusahan din ng Panginoon ang mga tao sa lungsod na iyon. Labis na nagkagulo ang buong bayan dahil binigyan din sila ng Panginoon ng mga bukol, bata man o matanda.

10Dahil doon, ipinadala nila ang Kahon ng Diyos sa Ekron. Habang parating pa lang sila roon, nagrereklamo na ang mga mamamayan ng Ekron. Sinabi nila, “Dinala nila rito ang Kahon ng Diyos ng Israel para patayin din tayong lahat.”

11Kaya ipinatawag nila ang lahat ng pinuno ng mga Filisteo at sinabi, “Ilayo ninyo rito ang Kahon ng Diyos ng Israel at ibalik ito sa kanyang lugar dahil kung hindi, mamamatay kaming lahat.” Ito ang sinabi nila dahil nagsimula na ang matinding parusa ng Diyos sa kanilang lungsod. Nagkagulo ang lahat sa takot dahil marami na ang namatay.

12Nagkaroon din ng bukol ang mga natitirang buháy. Abot hanggang langit ang pag-iyak ng buong lungsod dahil sa nangyari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.