1 Samuel 5

Kaya ipinatawag nila ang lahat ng pinuno ng mga Filisteo at sinabi, “Ilayo ninyo rito ang Kahon ng Diyos ng Israel at ibalik ito sa kanyang lugar dahil kung hindi, mamamatay kaming lahat.” Ito ang sinabi nila dahil nagsimula na ang matinding parusa ng Diyos sa kanilang lungsod. Nagkagulo ang lahat sa takot dahil marami na ang namatay.

1 Samuel 5:11 (UKJV) So they sent and gathered together all the lords of the Philistines, and said, Send away the ark of the God of Israel, and let it go again to his own place, that it slay us not, and our people: for there was a deadly destruction throughout all the city; the hand of God was very heavy there.

9Ngunit nang dumating ito roon, pinarusahan din ng Panginoon ang mga tao sa lungsod na iyon. Labis na nagkagulo ang buong bayan dahil binigyan din sila ng Panginoon ng mga bukol, bata man o matanda.

10Dahil doon, ipinadala nila ang Kahon ng Diyos sa Ekron. Habang parating pa lang sila roon, nagrereklamo na ang mga mamamayan ng Ekron. Sinabi nila, “Dinala nila rito ang Kahon ng Diyos ng Israel para patayin din tayong lahat.”

11Kaya ipinatawag nila ang lahat ng pinuno ng mga Filisteo at sinabi, “Ilayo ninyo rito ang Kahon ng Diyos ng Israel at ibalik ito sa kanyang lugar dahil kung hindi, mamamatay kaming lahat.” Ito ang sinabi nila dahil nagsimula na ang matinding parusa ng Diyos sa kanilang lungsod. Nagkagulo ang lahat sa takot dahil marami na ang namatay.

12Nagkaroon din ng bukol ang mga natitirang buháy. Abot hanggang langit ang pag-iyak ng buong lungsod dahil sa nangyari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.