2 Mga Cronica 12

Dahil hindi sila matapat sa Panginoon, nilusob ni Haring Shishak ng Ehipto, ang Jerusalem noong ikalimang taon ng paghahari ni Rehoboam.

2 Chronicles 12:2 (UKJV) And it came to pass, that in the fifth year of king Rehoboam Shishak king of Egypt came up against Jerusalem, because they had transgressed against the LORD,

1Nang matatag na ang paghahari ni Rehoboam at makapangyarihan na siya, itinakwil niya at ng buong Israel ang kautusan ng Panginoon.

2Dahil hindi sila matapat sa Panginoon, nilusob ni Haring Shishak ng Ehipto, ang Jerusalem noong ikalimang taon ng paghahari ni Rehoboam.

3May kasama siyang isanliboʼt dalawandaang karwahe, animnapung libong mangangabayo at napakaraming sundalo, na ang iba sa kanilaʼy galing pa sa Libya, Suquim at Etiopia.

4Sinakop ni Shisak ang mga napapaderang lungsod ng Juda at lumusob hanggang sa Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.