2Dahil hindi sila matapat sa Panginoon, nilusob ni Haring Shishak ng Ehipto, ang Jerusalem noong ikalimang taon ng paghahari ni Rehoboam.
3May kasama siyang isanliboʼt dalawandaang karwahe, animnapung libong mangangabayo at napakaraming sundalo, na ang iba sa kanilaʼy galing pa sa Libya, Suquim at Etiopia.
4Sinakop ni Shisak ang mga napapaderang lungsod ng Juda at lumusob hanggang sa Jerusalem.
5Pagkatapos, pumunta si Propeta Semaias kay Rehoboam at sa mga pinuno ng Juda na tumakas sa Jerusalem dahil sa takot kay Shishak. Sinabi ni Semaias sa kanila, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Itinakwil nʼyo ako, kaya ngayon, pababayaan ko kayo kay Shisak.”
6Nagpakumbaba ang hari at ang mga pinuno ng Israel. Sinabi nila, “Matuwid ang Panginoon!”