2 Mga Cronica 12

Pagkatapos, pumunta si Propeta Semaias kay Rehoboam at sa mga pinuno ng Juda na tumakas sa Jerusalem dahil sa takot kay Shishak. Sinabi ni Semaias sa kanila, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Itinakwil nʼyo ako, kaya ngayon, pababayaan ko kayo kay Shisak.”

2 Chronicles 12:5 (UKJV) Then came Shemaiah the prophet to Rehoboam, and to the princes of Judah, that were gathered together to Jerusalem because of Shishak, and said unto them, Thus says the LORD, All of you have forsaken me, and therefore have I also left you in the hand of Shishak.

3May kasama siyang isanliboʼt dalawandaang karwahe, animnapung libong mangangabayo at napakaraming sundalo, na ang iba sa kanilaʼy galing pa sa Libya, Suquim at Etiopia.

4Sinakop ni Shisak ang mga napapaderang lungsod ng Juda at lumusob hanggang sa Jerusalem.

5Pagkatapos, pumunta si Propeta Semaias kay Rehoboam at sa mga pinuno ng Juda na tumakas sa Jerusalem dahil sa takot kay Shishak. Sinabi ni Semaias sa kanila, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Itinakwil nʼyo ako, kaya ngayon, pababayaan ko kayo kay Shisak.”

6Nagpakumbaba ang hari at ang mga pinuno ng Israel. Sinabi nila, “Matuwid ang Panginoon!”

7Nang makita ng Panginoon na silaʼy nagpakumbaba, sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ni Semaias, “Dahil nagpakumbaba sila, hindi ko sila lilipulin at hindi magtatagal ay palalayain ko sila. Hindi ko na gagamitin si Shishak para ibuhos ang aking galit sa Jerusalem.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.