2 Mga Cronica 12

May kasama siyang isanliboʼt dalawandaang karwahe, animnapung libong mangangabayo at napakaraming sundalo, na ang iba sa kanilaʼy galing pa sa Libya, Suquim at Etiopia.

2 Chronicles 12:3 (UKJV) With twelve hundred chariots, and threescore thousand horsemen: and the people were without number that came with him out of Egypt; the Lubims, the Sukkiims, and the Ethiopians.

1Nang matatag na ang paghahari ni Rehoboam at makapangyarihan na siya, itinakwil niya at ng buong Israel ang kautusan ng Panginoon.

2Dahil hindi sila matapat sa Panginoon, nilusob ni Haring Shishak ng Ehipto, ang Jerusalem noong ikalimang taon ng paghahari ni Rehoboam.

3May kasama siyang isanliboʼt dalawandaang karwahe, animnapung libong mangangabayo at napakaraming sundalo, na ang iba sa kanilaʼy galing pa sa Libya, Suquim at Etiopia.

4Sinakop ni Shisak ang mga napapaderang lungsod ng Juda at lumusob hanggang sa Jerusalem.

5Pagkatapos, pumunta si Propeta Semaias kay Rehoboam at sa mga pinuno ng Juda na tumakas sa Jerusalem dahil sa takot kay Shishak. Sinabi ni Semaias sa kanila, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Itinakwil nʼyo ako, kaya ngayon, pababayaan ko kayo kay Shisak.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.