2 Mga Cronica 19

Nakatira si Jehoshafat sa Jerusalem, pero pinupuntahan niya ang mga tao mula sa Beer-seba hanggang sa kaburulan ng Efraim upang hikayatin silang manumbalik sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang ninuno.

2 Chronicles 19:4 (UKJV) And Jehoshaphat dwelt at Jerusalem: and he went out again through the people from Beersheba to mount Ephraim, and brought them back unto the LORD God of their fathers.

2sinalubong siya ni Propeta Jehu na anak ni Hanani at sinabi, “Bakit tinulungan mo ang masama at inibig ang napopoot sa Panginoon? Dahil dito, nagalit ang Panginoon sa iyo.

3Ngunit mayroon ding mabuti sa iyo. Inalis mo sa Juda ang mga posteng imahen ni Ashera at hinangad mo ang sumunod sa Diyos.”

4Nakatira si Jehoshafat sa Jerusalem, pero pinupuntahan niya ang mga tao mula sa Beer-seba hanggang sa kaburulan ng Efraim upang hikayatin silang manumbalik sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang ninuno.

5Naglagay siya ng mga hukom sa bawat napapaderang lungsod ng Juda.

6Sinabi niya sa kanila, “Mag-isip muna kayo ng mabuti bago kayo humatol dahil hindi kayo hahatol para sa tao kundi para sa Panginoon, na siyang sumasainyo sa tuwing magbibigay kayo ng hatol.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.