1Nang ligtas na nakabalik si Jehoshafat sa palasyo niya sa Jerusalem,
2sinalubong siya ni Propeta Jehu na anak ni Hanani at sinabi, “Bakit tinulungan mo ang masama at inibig ang napopoot sa Panginoon? Dahil dito, nagalit ang Panginoon sa iyo.
3Ngunit mayroon ding mabuti sa iyo. Inalis mo sa Juda ang mga posteng imahen ni Ashera at hinangad mo ang sumunod sa Diyos.”
4Nakatira si Jehoshafat sa Jerusalem, pero pinupuntahan niya ang mga tao mula sa Beer-seba hanggang sa kaburulan ng Efraim upang hikayatin silang manumbalik sa Panginoon, ang Diyos ng kanilang ninuno.