2 Mga Cronica 2

“Padalhan mo rin ako ng mga kahoy na sedro, sipres at algum mula sa Lebanon, dahil alam kong mahusay ang mga tauhan mo sa pagputol ng kahoy. Tutulong ang mga tauhan ko sa mga tauhan mo

2 Chronicles 2:8 (UKJV) Send me also cedar trees, fir trees, and algum trees, out of Lebanon: for I know that your servants can skill to cut timber in Lebanon; and, behold, my servants shall be with your servants,

6Ngunit sino nga ba ang makakapagpatayo ng Templo para sa kanya? Ang langit, kahit ang pinakamataas na langit, ay hindi sapat para sa kanya. Kaya sino naman ako para magpatayo ng Templo para sa kanya? Ang maipatatayo ko lang ay isang lugar na pagsusunugan ng mga handog sa harapan niya.

7“Kaya ngayon, padalhan mo ako ng taong mahusay sa mga ginto, pilak, tansoʼt bakal, at mahusay gumawa ng telang kulay ube, pula at asul, at mahuhusay na mang-uukit. Gagawa siya kasama ng aking mahuhusay na manggagawang taga-Juda at taga-Jerusalem, na pinili ng aking amang si David.

8“Padalhan mo rin ako ng mga kahoy na sedro, sipres at algum mula sa Lebanon, dahil alam kong mahusay ang mga tauhan mo sa pagputol ng kahoy. Tutulong ang mga tauhan ko sa mga tauhan mo

9sa paghahanda ng maraming kahoy, dahil malaki at maganda ang Templong itatayo ko.

10Babayaran ko ang iyong mga tagaputol ng kahoy ng isandaang libong takal ng trigo, isandaang libong takal ng sebada, 110,000 galon ng alak at 110,000 galon ng langis ng olibo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.