5“Napakalaki ng Templo na itatayo ko dahil mas makapangyarihan ang aming Diyos kaysa sa ibang mga diyos.
6Ngunit sino nga ba ang makakapagpatayo ng Templo para sa kanya? Ang langit, kahit ang pinakamataas na langit, ay hindi sapat para sa kanya. Kaya sino naman ako para magpatayo ng Templo para sa kanya? Ang maipatatayo ko lang ay isang lugar na pagsusunugan ng mga handog sa harapan niya.
7“Kaya ngayon, padalhan mo ako ng taong mahusay sa mga ginto, pilak, tansoʼt bakal, at mahusay gumawa ng telang kulay ube, pula at asul, at mahuhusay na mang-uukit. Gagawa siya kasama ng aking mahuhusay na manggagawang taga-Juda at taga-Jerusalem, na pinili ng aking amang si David.
8“Padalhan mo rin ako ng mga kahoy na sedro, sipres at algum mula sa Lebanon, dahil alam kong mahusay ang mga tauhan mo sa pagputol ng kahoy. Tutulong ang mga tauhan ko sa mga tauhan mo
9sa paghahanda ng maraming kahoy, dahil malaki at maganda ang Templong itatayo ko.