7“Kaya ngayon, padalhan mo ako ng taong mahusay sa mga ginto, pilak, tansoʼt bakal, at mahusay gumawa ng telang kulay ube, pula at asul, at mahuhusay na mang-uukit. Gagawa siya kasama ng aking mahuhusay na manggagawang taga-Juda at taga-Jerusalem, na pinili ng aking amang si David.
8“Padalhan mo rin ako ng mga kahoy na sedro, sipres at algum mula sa Lebanon, dahil alam kong mahusay ang mga tauhan mo sa pagputol ng kahoy. Tutulong ang mga tauhan ko sa mga tauhan mo
9sa paghahanda ng maraming kahoy, dahil malaki at maganda ang Templong itatayo ko.
10Babayaran ko ang iyong mga tagaputol ng kahoy ng isandaang libong takal ng trigo, isandaang libong takal ng sebada, 110,000 galon ng alak at 110,000 galon ng langis ng olibo.”
11Ito ang sulat na isinagot ni Haring Hiram ng Tiro kay Solomon: “Dahil iniibig ng Panginoon ang kanyang bayan, ginawa ka niyang hari nila.