2 Mga Cronica 2

Babayaran ko ang iyong mga tagaputol ng kahoy ng isandaang libong takal ng trigo, isandaang libong takal ng sebada, 110,000 galon ng alak at 110,000 galon ng langis ng olibo.”

2 Chronicles 2:10 (UKJV) And, behold, I will give to your servants, the hewers that cut timber, twenty thousand measures of beaten wheat, and twenty thousand measures of barley, and twenty thousand baths of wine, and twenty thousand baths of oil.

8“Padalhan mo rin ako ng mga kahoy na sedro, sipres at algum mula sa Lebanon, dahil alam kong mahusay ang mga tauhan mo sa pagputol ng kahoy. Tutulong ang mga tauhan ko sa mga tauhan mo

9sa paghahanda ng maraming kahoy, dahil malaki at maganda ang Templong itatayo ko.

10Babayaran ko ang iyong mga tagaputol ng kahoy ng isandaang libong takal ng trigo, isandaang libong takal ng sebada, 110,000 galon ng alak at 110,000 galon ng langis ng olibo.”

11Ito ang sulat na isinagot ni Haring Hiram ng Tiro kay Solomon: “Dahil iniibig ng Panginoon ang kanyang bayan, ginawa ka niyang hari nila.

12Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel na gumawa ng langit at lupa! Binigyan niya si Haring David ng matalinong anak na puno ng kaalaman at pang-unawa, na magtatayo ng Templo para sa Panginoon at ng palasyo para sa kanyang sarili.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.