1Nang mamatay si Jehoshafat, inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Jehoram ang pumalit sa kanya bilang hari.
2Ang mga kapatid ni Jehoram ay sina Azarias, Jehiel, Zacarias, Azarias, Micael at Sefatias. Silang lahat ang anak ni Haring Jehoshafat ng Juda.
3Binigyan sila ni Jehoshafat ng maraming regalo na pilak at ginto, mahahalagang bagay at mga napapaderang lungsod sa Juda. Ngunit si Jehoram ang kanyang ipinalit bilang hari dahil siya ang panganay.