2 Mga Cronica 21

Ang mga kapatid ni Jehoram ay sina Azarias, Jehiel, Zacarias, Azarias, Micael at Sefatias. Silang lahat ang anak ni Haring Jehoshafat ng Juda.

2 Chronicles 21:2 (UKJV) And he had brethren the sons of Jehoshaphat, Azariah, and Jehiel, and Zechariah, and Azariah, and Michael, and Shephatiah: all these were the sons of Jehoshaphat king of Israel.

1Nang mamatay si Jehoshafat, inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Jehoram ang pumalit sa kanya bilang hari.

2Ang mga kapatid ni Jehoram ay sina Azarias, Jehiel, Zacarias, Azarias, Micael at Sefatias. Silang lahat ang anak ni Haring Jehoshafat ng Juda.

3Binigyan sila ni Jehoshafat ng maraming regalo na pilak at ginto, mahahalagang bagay at mga napapaderang lungsod sa Juda. Ngunit si Jehoram ang kanyang ipinalit bilang hari dahil siya ang panganay.

4Nang matatag na ang paghahari ni Jehoram sa kaharian ng kanyang ama, ipinapatay niya ang lahat ng kanyang kapatid, pati ang ibang mga opisyal ng Juda.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.