2 Mga Cronica 21

Binigyan sila ni Jehoshafat ng maraming regalo na pilak at ginto, mahahalagang bagay at mga napapaderang lungsod sa Juda. Ngunit si Jehoram ang kanyang ipinalit bilang hari dahil siya ang panganay.

2 Chronicles 21:3 (UKJV) And their father gave them great gifts of silver, and of gold, and of precious things, with fenced cities in Judah: but the kingdom gave he to Jehoram; because he was the firstborn.

1Nang mamatay si Jehoshafat, inilibing siya sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David. At ang anak niyang si Jehoram ang pumalit sa kanya bilang hari.

2Ang mga kapatid ni Jehoram ay sina Azarias, Jehiel, Zacarias, Azarias, Micael at Sefatias. Silang lahat ang anak ni Haring Jehoshafat ng Juda.

3Binigyan sila ni Jehoshafat ng maraming regalo na pilak at ginto, mahahalagang bagay at mga napapaderang lungsod sa Juda. Ngunit si Jehoram ang kanyang ipinalit bilang hari dahil siya ang panganay.

4Nang matatag na ang paghahari ni Jehoram sa kaharian ng kanyang ama, ipinapatay niya ang lahat ng kanyang kapatid, pati ang ibang mga opisyal ng Juda.

5Si Jehoram ay tatlumpuʼt dalawang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng walong taon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.