2 Mga Cronica 23

Pagkatapos, pinalabas ni Joiada at ng kanyang mga anak si Joas na anak ng hari at kinoronahan. Binigyan siya ng kopya ng mga tuntunin tungkol sa pamamahala ng hari, at idineklara siyang hari. Pinahiran siya ng langis at sumigaw agad ang mga tao, “Mabuhay ang Hari!”

2 Chronicles 23:11 (UKJV) Then they brought out the king's son, and put upon him the crown, and gave him the testimony, and made him king. And Jehoiada and his sons anointed him, and said, God save the king.

9Pagkatapos, binigyan ni Joiada ang mga kumander ng mga sibat at ng malalaki at maliliit na pananggalang na pag-aari noon ni Haring David, na itinago sa Templo ng Panginoon.

10Ipinapuwesto niya ang mga armadong lalaki sa palibot ng Templo at ng altar upang protektahan ang hari.

11Pagkatapos, pinalabas ni Joiada at ng kanyang mga anak si Joas na anak ng hari at kinoronahan. Binigyan siya ng kopya ng mga tuntunin tungkol sa pamamahala ng hari, at idineklara siyang hari. Pinahiran siya ng langis at sumigaw agad ang mga tao, “Mabuhay ang Hari!”

12Nang marinig ni Atalia ang ingay ng mga tao na tumatakbo at nagsisigawan upang papurihan ang hari, pumunta siya sa kanila roon sa Templo ng Panginoon.

13At nakita niya roon ang bagong koronang hari na nakatayo malapit sa haligi, sa may pintuan ng Templo. Nasa tabi ng hari ang mga kumander at ang mga taga-trumpeta, at ang lahat ng tao roon ay nagsasaya at nagpapatunog ng mga trumpeta. Ang mga mang-aawit ay nangunguna sa pagpupuri sa Diyos, na tumutugtog ng mga instrumento. Nang makita itong lahat ni Atalia, pinunit niya ang kanyang damit, at sumigaw, “Mga traydor! Mga traydor!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.