2 Mga Cronica 23

Pagkatapos, binigyan ni Joiada ang mga kumander ng mga sibat at ng malalaki at maliliit na pananggalang na pag-aari noon ni Haring David, na itinago sa Templo ng Panginoon.

2 Chronicles 23:9 (UKJV) Moreover Jehoiada the priest delivered to the captains of hundreds spears, and bucklers, and shields, that had been king David's, which were in the house of God.

7Dapat bantayang mabuti ng mga Levita ang hari, na nakahanda ang kanilang mga sandata, at sinumang papasok sa Templo ay dapat patayin. Samahan ninyo ang hari kahit saan siya magpunta.”

8Ginawa ng mga Levita at ng mga taga-Juda ang iniutos ng paring si Joiada. Tinipon ng mga kumander ang mga tauhan nila na nagbabantay sa Araw ng Pamamahinga, pati rin ang mga hindi nagbabantay sa araw na iyon. Hindi muna pinauwi ni Joiada ang mga Levita kahit tapos na ang kanilang takdang oras.

9Pagkatapos, binigyan ni Joiada ang mga kumander ng mga sibat at ng malalaki at maliliit na pananggalang na pag-aari noon ni Haring David, na itinago sa Templo ng Panginoon.

10Ipinapuwesto niya ang mga armadong lalaki sa palibot ng Templo at ng altar upang protektahan ang hari.

11Pagkatapos, pinalabas ni Joiada at ng kanyang mga anak si Joas na anak ng hari at kinoronahan. Binigyan siya ng kopya ng mga tuntunin tungkol sa pamamahala ng hari, at idineklara siyang hari. Pinahiran siya ng langis at sumigaw agad ang mga tao, “Mabuhay ang Hari!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.