2 Mga Cronica 23

Dapat bantayang mabuti ng mga Levita ang hari, na nakahanda ang kanilang mga sandata, at sinumang papasok sa Templo ay dapat patayin. Samahan ninyo ang hari kahit saan siya magpunta.”

2 Chronicles 23:7 (UKJV) And the Levites shall compass the king round about, every man with his weapons in his hand; and whosoever else comes into the house, he shall be put to death: but be all of you with the king when he comes in, and when he goes out.

5Ang pangalawa sa tatlong grupo nila ay magbabantay sa palasyo ng hari. At ang huli sa tatlong grupo ay magbabantay sa Pintuan ng Sur. Ang ibaʼy doon sa bakuran ng Templo ng Panginoon.

6Walang papasok sa Templo ng Panginoon, maliban lang sa mga pari at mga Levita na naglilingkod sa oras na iyon. Puwede silang pumasok dahil itinalaga sila para sa gawaing ito. Ngunit ang ibaʼy kailangang sa labas lang magbabantay ayon sa utos ng Panginoon.

7Dapat bantayang mabuti ng mga Levita ang hari, na nakahanda ang kanilang mga sandata, at sinumang papasok sa Templo ay dapat patayin. Samahan ninyo ang hari kahit saan siya magpunta.”

8Ginawa ng mga Levita at ng mga taga-Juda ang iniutos ng paring si Joiada. Tinipon ng mga kumander ang mga tauhan nila na nagbabantay sa Araw ng Pamamahinga, pati rin ang mga hindi nagbabantay sa araw na iyon. Hindi muna pinauwi ni Joiada ang mga Levita kahit tapos na ang kanilang takdang oras.

9Pagkatapos, binigyan ni Joiada ang mga kumander ng mga sibat at ng malalaki at maliliit na pananggalang na pag-aari noon ni Haring David, na itinago sa Templo ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.