2 Mga Cronica 23

Walang papasok sa Templo ng Panginoon, maliban lang sa mga pari at mga Levita na naglilingkod sa oras na iyon. Puwede silang pumasok dahil itinalaga sila para sa gawaing ito. Ngunit ang ibaʼy kailangang sa labas lang magbabantay ayon sa utos ng Panginoon.

2 Chronicles 23:6 (UKJV) But let none come into the house of the LORD, save the priests, and they that minister of the Levites; they shall go in, for they are holy: but all the people shall keep the watch of the LORD.

4Ngayon, ito ang gagawin ninyo: Ang isa sa tatlong grupo ng pari at Levita, na nagbabantay sa Araw ng Pamamahinga ay magbabantay sa mga pintuan ng Templo.

5Ang pangalawa sa tatlong grupo nila ay magbabantay sa palasyo ng hari. At ang huli sa tatlong grupo ay magbabantay sa Pintuan ng Sur. Ang ibaʼy doon sa bakuran ng Templo ng Panginoon.

6Walang papasok sa Templo ng Panginoon, maliban lang sa mga pari at mga Levita na naglilingkod sa oras na iyon. Puwede silang pumasok dahil itinalaga sila para sa gawaing ito. Ngunit ang ibaʼy kailangang sa labas lang magbabantay ayon sa utos ng Panginoon.

7Dapat bantayang mabuti ng mga Levita ang hari, na nakahanda ang kanilang mga sandata, at sinumang papasok sa Templo ay dapat patayin. Samahan ninyo ang hari kahit saan siya magpunta.”

8Ginawa ng mga Levita at ng mga taga-Juda ang iniutos ng paring si Joiada. Tinipon ng mga kumander ang mga tauhan nila na nagbabantay sa Araw ng Pamamahinga, pati rin ang mga hindi nagbabantay sa araw na iyon. Hindi muna pinauwi ni Joiada ang mga Levita kahit tapos na ang kanilang takdang oras.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.