2 Mga Cronica 23

Ginawa ng mga Levita at ng mga taga-Juda ang iniutos ng paring si Joiada. Tinipon ng mga kumander ang mga tauhan nila na nagbabantay sa Araw ng Pamamahinga, pati rin ang mga hindi nagbabantay sa araw na iyon. Hindi muna pinauwi ni Joiada ang mga Levita kahit tapos na ang kanilang takdang oras.

2 Chronicles 23:8 (UKJV) So the Levites and all Judah did according to all things that Jehoiada the priest had commanded, and took every man his men that were to come in on the sabbath, with them that were to go out on the sabbath: for Jehoiada the priest dismissed not the courses.

6Walang papasok sa Templo ng Panginoon, maliban lang sa mga pari at mga Levita na naglilingkod sa oras na iyon. Puwede silang pumasok dahil itinalaga sila para sa gawaing ito. Ngunit ang ibaʼy kailangang sa labas lang magbabantay ayon sa utos ng Panginoon.

7Dapat bantayang mabuti ng mga Levita ang hari, na nakahanda ang kanilang mga sandata, at sinumang papasok sa Templo ay dapat patayin. Samahan ninyo ang hari kahit saan siya magpunta.”

8Ginawa ng mga Levita at ng mga taga-Juda ang iniutos ng paring si Joiada. Tinipon ng mga kumander ang mga tauhan nila na nagbabantay sa Araw ng Pamamahinga, pati rin ang mga hindi nagbabantay sa araw na iyon. Hindi muna pinauwi ni Joiada ang mga Levita kahit tapos na ang kanilang takdang oras.

9Pagkatapos, binigyan ni Joiada ang mga kumander ng mga sibat at ng malalaki at maliliit na pananggalang na pag-aari noon ni Haring David, na itinago sa Templo ng Panginoon.

10Ipinapuwesto niya ang mga armadong lalaki sa palibot ng Templo at ng altar upang protektahan ang hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.