2 Mga Cronica 23

Inutusan ni Joiada ang mga kumander ng mga sundalo, “Dalhin ninyo sa labas si Atalia at patayin ang sinumang magliligtas sa kanya. Huwag nʼyo siyang patayin dito sa loob ng Templo ng Panginoon.”

2 Chronicles 23:14 (UKJV) Then Jehoiada the priest brought out the captains of hundreds that were set over the host, and said unto them, Have her out of the ranges: and whoso follows her, let him be slain with the sword. For the priest said, Slay her not in the house of the LORD.

12Nang marinig ni Atalia ang ingay ng mga tao na tumatakbo at nagsisigawan upang papurihan ang hari, pumunta siya sa kanila roon sa Templo ng Panginoon.

13At nakita niya roon ang bagong koronang hari na nakatayo malapit sa haligi, sa may pintuan ng Templo. Nasa tabi ng hari ang mga kumander at ang mga taga-trumpeta, at ang lahat ng tao roon ay nagsasaya at nagpapatunog ng mga trumpeta. Ang mga mang-aawit ay nangunguna sa pagpupuri sa Diyos, na tumutugtog ng mga instrumento. Nang makita itong lahat ni Atalia, pinunit niya ang kanyang damit, at sumigaw, “Mga traydor! Mga traydor!”

14Inutusan ni Joiada ang mga kumander ng mga sundalo, “Dalhin ninyo sa labas si Atalia at patayin ang sinumang magliligtas sa kanya. Huwag nʼyo siyang patayin dito sa loob ng Templo ng Panginoon.”

15Kaya dinakip nila siya at dinala sa labas ng pintuan na dinadaanan ng mga kabayong papunta sa palasyo, at doon siya pinatay.

16Pagkatapos, gumawa ng kasunduan sina Joiada, ang mga tao, at ang hari na magiging mamamayan sila ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.