2 Mga Cronica 23

Pumunta agad ang lahat ng tao sa Templo ni Baal at giniba ito. Dinurog nila ang mga altar at mga diyos-diyosan, at pinatay nila si Matan na pari ni Baal sa harapan ng mga altar.

2 Chronicles 23:17 (UKJV) Then all the people went to the house of Baal, and brake it down, and brake his altars and his images in pieces, and slew Mattan the priest of Baal before the altars.

15Kaya dinakip nila siya at dinala sa labas ng pintuan na dinadaanan ng mga kabayong papunta sa palasyo, at doon siya pinatay.

16Pagkatapos, gumawa ng kasunduan sina Joiada, ang mga tao, at ang hari na magiging mamamayan sila ng Panginoon.

17Pumunta agad ang lahat ng tao sa Templo ni Baal at giniba ito. Dinurog nila ang mga altar at mga diyos-diyosan, at pinatay nila si Matan na pari ni Baal sa harapan ng mga altar.

18Pagkatapos, ipinagkatiwala ni Joiada sa mga paring Levita ang pamamahala sa Templo ng Panginoon gaya ng ginawa ni David noon. Maghahandog sila ng mga handog na sinusunog ayon sa nakasulat sa Kautusan ni Moises, at magsasaya at aawit ayon sa iniutos ni David.

19Nagpalagay din si Joiada ng mga tagapagbantay sa mga pintuan ng Templo ng Panginoon upang walang makapasok na tao na itinuturing na marumi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.