1Si Ahaz ay dalawampung taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-anim na taon. Gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon, hindi katulad ng ginawa ng kanyang ninuno na si David.
2Sumunod siya sa pamumuhay ng mga hari ng Israel, at gumawa ng metal na mga imahen ni Baal.
3Nagsunog siya ng mga handog sa Lambak ng Ben-hinom, at inihandog niya mismo sa apoy ang kanyang mga anak na lalaki. Sinunod niya ang kasuklam-suklam na mga kaugalian ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita.