2 Mga Cronica 28

Nagsunog siya ng mga handog sa Lambak ng Ben-hinom, at inihandog niya mismo sa apoy ang kanyang mga anak na lalaki. Sinunod niya ang kasuklam-suklam na mga kaugalian ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita.

2 Chronicles 28:3 (UKJV) Moreover he burnt incense in the valley of the son of Hinnom, and burnt his children in the fire, after the abominations of the heathen whom the LORD had cast out before the children of Israel.

1Si Ahaz ay dalawampung taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-anim na taon. Gumawa siya ng masama sa paningin ng Panginoon, hindi katulad ng ginawa ng kanyang ninuno na si David.

2Sumunod siya sa pamumuhay ng mga hari ng Israel, at gumawa ng metal na mga imahen ni Baal.

3Nagsunog siya ng mga handog sa Lambak ng Ben-hinom, at inihandog niya mismo sa apoy ang kanyang mga anak na lalaki. Sinunod niya ang kasuklam-suklam na mga kaugalian ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita.

4Nag-alay siya ng mga handog at nagsunog ng mga insenso sa mga sambahan sa matataas na lugar, sa ibabaw ng mga burol at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy.

5Kaya ipinatalo siya ng Panginoon na kanyang Diyos sa hari ng Aram. Tinalo siya ng mga Arameo at marami sa kanyang mamamayan ang binihag sa Damasco. Ipinatalo din siya sa hari ng Israel, na pumatay ng marami sa kanyang mamamayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.