2Sumunod siya sa pamumuhay ng mga hari ng Israel, at gumawa ng metal na mga imahen ni Baal.
3Nagsunog siya ng mga handog sa Lambak ng Ben-hinom, at inihandog niya mismo sa apoy ang kanyang mga anak na lalaki. Sinunod niya ang kasuklam-suklam na mga kaugalian ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan ng mga Israelita.
4Nag-alay siya ng mga handog at nagsunog ng mga insenso sa mga sambahan sa matataas na lugar, sa ibabaw ng mga burol at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy.
5Kaya ipinatalo siya ng Panginoon na kanyang Diyos sa hari ng Aram. Tinalo siya ng mga Arameo at marami sa kanyang mamamayan ang binihag sa Damasco. Ipinatalo din siya sa hari ng Israel, na pumatay ng marami sa kanyang mamamayan.
6Sa isang araw lang ay 120,000 sundalo ng Juda ang pinatay ni Haring Peka na anak ni Remalias. Nangyari ito sa mga taga-Juda dahil itinakwil nila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.