4Nag-alay siya ng mga handog at nagsunog ng mga insenso sa mga sambahan sa matataas na lugar, sa ibabaw ng mga burol at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy.
5Kaya ipinatalo siya ng Panginoon na kanyang Diyos sa hari ng Aram. Tinalo siya ng mga Arameo at marami sa kanyang mamamayan ang binihag sa Damasco. Ipinatalo din siya sa hari ng Israel, na pumatay ng marami sa kanyang mamamayan.
6Sa isang araw lang ay 120,000 sundalo ng Juda ang pinatay ni Haring Peka na anak ni Remalias. Nangyari ito sa mga taga-Juda dahil itinakwil nila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
7Pinatay ni Zicri, na isang matapang na sundalo ng Israel, sina Maasias na anak ni Haring Ahaz, Azrikam na tagapamahala ng palasyo, at Elcana na pangalawa sa hari.
8Binihag ng mga taga-Israel ang kanilang mga kadugo na taga-Juda, 200,000 asawaʼt mga anak. Sinamsam din nila ang mga ari-arian ng mga taga-Juda at dinala pauwi sa Samaria.