2 Mga Cronica 28

Binihag ng mga taga-Israel ang kanilang mga kadugo na taga-Juda, 200,000 asawaʼt mga anak. Sinamsam din nila ang mga ari-arian ng mga taga-Juda at dinala pauwi sa Samaria.

2 Chronicles 28:8 (UKJV) And the children of Israel carried away captive of their brethren two hundred thousand, women, sons, and daughters, and took also away much spoil from them, and brought the spoil to Samaria.

6Sa isang araw lang ay 120,000 sundalo ng Juda ang pinatay ni Haring Peka na anak ni Remalias. Nangyari ito sa mga taga-Juda dahil itinakwil nila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.

7Pinatay ni Zicri, na isang matapang na sundalo ng Israel, sina Maasias na anak ni Haring Ahaz, Azrikam na tagapamahala ng palasyo, at Elcana na pangalawa sa hari.

8Binihag ng mga taga-Israel ang kanilang mga kadugo na taga-Juda, 200,000 asawaʼt mga anak. Sinamsam din nila ang mga ari-arian ng mga taga-Juda at dinala pauwi sa Samaria.

9Ngunit nang dumating ang mga sundalo sa Samaria, sinalubong sila ni Oded na propeta ng Panginoon, at sinabi, “Ipinaubaya sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos ang Juda dahil sa kanyang galit sa kanila. Ngunit labis ang ginawa ninyo; pinagpapatay nʼyo sila nang walang awa, at nalaman ito ng Panginoon doon sa langit.

10At ngayon, gusto pa ninyong alipinin ang mga lalaki at mga babae na mula sa Jerusalem at Juda. Hindi baʼt may kasalanan din kayo sa Panginoon na inyong Diyos?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.