2 Mga Cronica 28

Ngunit nang dumating ang mga sundalo sa Samaria, sinalubong sila ni Oded na propeta ng Panginoon, at sinabi, “Ipinaubaya sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos ang Juda dahil sa kanyang galit sa kanila. Ngunit labis ang ginawa ninyo; pinagpapatay nʼyo sila nang walang awa, at nalaman ito ng Panginoon doon sa langit.

2 Chronicles 28:9 (UKJV) But a prophet of the LORD was there, whose name was Oded: and he went out before the host that came to Samaria, and said unto them, Behold, because the LORD God of your fathers was angry with Judah, he has delivered them into your hand, and all of you have slain them in a rage that reachs up unto heaven.

7Pinatay ni Zicri, na isang matapang na sundalo ng Israel, sina Maasias na anak ni Haring Ahaz, Azrikam na tagapamahala ng palasyo, at Elcana na pangalawa sa hari.

8Binihag ng mga taga-Israel ang kanilang mga kadugo na taga-Juda, 200,000 asawaʼt mga anak. Sinamsam din nila ang mga ari-arian ng mga taga-Juda at dinala pauwi sa Samaria.

9Ngunit nang dumating ang mga sundalo sa Samaria, sinalubong sila ni Oded na propeta ng Panginoon, at sinabi, “Ipinaubaya sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos ang Juda dahil sa kanyang galit sa kanila. Ngunit labis ang ginawa ninyo; pinagpapatay nʼyo sila nang walang awa, at nalaman ito ng Panginoon doon sa langit.

10At ngayon, gusto pa ninyong alipinin ang mga lalaki at mga babae na mula sa Jerusalem at Juda. Hindi baʼt may kasalanan din kayo sa Panginoon na inyong Diyos?

11Makinig kayo sa akin! Galit na galit ang Panginoon sa inyo. Kaya pabalikin nʼyo ang inyong mga kadugo na inyong binihag.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.