2 Mga Cronica 28

At ngayon, gusto pa ninyong alipinin ang mga lalaki at mga babae na mula sa Jerusalem at Juda. Hindi baʼt may kasalanan din kayo sa Panginoon na inyong Diyos?

2 Chronicles 28:10 (UKJV) And now all of you purpose to keep under the children of Judah and Jerusalem for bondmen and bondwomen unto you: but are there not with you, even with you, sins against the LORD your God?

8Binihag ng mga taga-Israel ang kanilang mga kadugo na taga-Juda, 200,000 asawaʼt mga anak. Sinamsam din nila ang mga ari-arian ng mga taga-Juda at dinala pauwi sa Samaria.

9Ngunit nang dumating ang mga sundalo sa Samaria, sinalubong sila ni Oded na propeta ng Panginoon, at sinabi, “Ipinaubaya sa inyo ng Panginoon na inyong Diyos ang Juda dahil sa kanyang galit sa kanila. Ngunit labis ang ginawa ninyo; pinagpapatay nʼyo sila nang walang awa, at nalaman ito ng Panginoon doon sa langit.

10At ngayon, gusto pa ninyong alipinin ang mga lalaki at mga babae na mula sa Jerusalem at Juda. Hindi baʼt may kasalanan din kayo sa Panginoon na inyong Diyos?

11Makinig kayo sa akin! Galit na galit ang Panginoon sa inyo. Kaya pabalikin nʼyo ang inyong mga kadugo na inyong binihag.”

12Ganito rin ang sinabi ng ibang mga pinuno ng Israel sa mga sundalo na dumating galing sa labanan. Ang mga pinuno ay sina Azarias na anak ni Johanan, Berequias na anak ni Mesilemot, Jehizkias na anak ni Salum, at Amasa na anak ni Hadlai.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.