2 Mga Taga-Corinto 11

Kung may nanghihina, nalulungkot ako. At kung may nagkakasala, naghihirap ang kalooban ko.

2 Corinthians 11:29 (UKJV) Who is weak, and I am not weak? who is offended, and I burn not?

27Naranasan ko rin ang sobrang hirap at pagod, at kawalan ng tulog. Naranasan ko ang magutom, mauhaw, kadalasaʼy walang makain, at naranasan kong ginawin dahil sa kakulangan ng maisusuot.

28Maliban sa iba pang mga karanasan na hindi ko nabanggit, inaalala ko pa araw-araw ang kalagayan ng lahat na iglesya.

29Kung may nanghihina, nalulungkot ako. At kung may nagkakasala, naghihirap ang kalooban ko.

30Kung kailangan kong magmalaki, ang ipagmamalaki ko ay ang aking mga kahinaan.

31Hindi ako nagsisinungaling, at alam iyan ng Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesus. Purihin siya magpakailanman!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.