28Maliban sa iba pang mga karanasan na hindi ko nabanggit, inaalala ko pa araw-araw ang kalagayan ng lahat na iglesya.
29Kung may nanghihina, nalulungkot ako. At kung may nagkakasala, naghihirap ang kalooban ko.
30Kung kailangan kong magmalaki, ang ipagmamalaki ko ay ang aking mga kahinaan.
31Hindi ako nagsisinungaling, at alam iyan ng Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesus. Purihin siya magpakailanman!
32Noong akoʼy nasa Damasco, pinabantayan ng gobernador na nasa ilalim ni Haring Aretas ang lungsod upang dakpin ako.