2 Mga Hari 12

Pagkatapos, ibibigay nila ang pera sa mga tao na namamahala sa pagpapaayos ng Templo. Ito ang ibinabayad nila sa mga nagtatrabaho sa Templo ng Panginoon – ang mga karpintero, mga mason, at iba pang mga manggagawa. Ito rin ang ginagamit nilang pambili ng kahoy at mga hinating bato para sa pagpapaayos ng Templo ng Panginoon. Binabayaran din nila ang iba pang mga gastusin sa pagpapaayos nito.

2 Kings 12:11 (UKJV) And they gave the money, being told, into the hands of them that did the work, that had the oversight of the house of the LORD: and they laid it out to the carpenters and builders, that wrought upon the house of the LORD,

9Kumuha si Jehoiada ng kahon at binutasan ang takip nito. Pagkatapos, inilagay niya ito sa tabi ng altar, sa gawing kanan papasok sa Templo ng Panginoon. Kung mayroong magbibigay ng pera sa Templo, ang mga paring nagbabantay sa pintuan ang maglalagay nito sa kahon.

10Kapag puno na ang kahon, binibilang ng kalihim ng hari at ng punong pari ang pera at inilalagay nila ito sa mga lalagyan.

11Pagkatapos, ibibigay nila ang pera sa mga tao na namamahala sa pagpapaayos ng Templo. Ito ang ibinabayad nila sa mga nagtatrabaho sa Templo ng Panginoon – ang mga karpintero, mga mason, at iba pang mga manggagawa. Ito rin ang ginagamit nilang pambili ng kahoy at mga hinating bato para sa pagpapaayos ng Templo ng Panginoon. Binabayaran din nila ang iba pang mga gastusin sa pagpapaayos nito.

13Hindi ginamit ang perang dinala sa Templo sa paggawa ng mga pilak na planggana, mga panggupit ng mitsa ng mga ilaw, mga mangkok, mga trumpeta o kahit anong gamit na ginto o pilak para sa Templo ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.