2 Mga Hari 12

Kumuha si Jehoiada ng kahon at binutasan ang takip nito. Pagkatapos, inilagay niya ito sa tabi ng altar, sa gawing kanan papasok sa Templo ng Panginoon. Kung mayroong magbibigay ng pera sa Templo, ang mga paring nagbabantay sa pintuan ang maglalagay nito sa kahon.

2 Kings 12:9 (UKJV) But Jehoiada the priest took a chest, and bored a hole in the lid of it, and set it beside the altar, on the right side as one comes into the house of the LORD: and the priests that kept the door put therein all the money that was brought into the house of the LORD.

7Kaya ipinatawag ni Haring Joas si Jehoiada at ang iba pang mga pari at tinanong, “Bakit hindi pa ninyo naipapaayos ang Templo? Simula ngayon, huwag na ninyong gagastusin ang mga pera para sa sarili ninyong pangangailangan. Dapat gastusin ito sa pagpapaayos ng Templo.”

8Pumayag ang mga pari na hindi na sila ang mangongolekta ng pera sa mga tao at hindi na rin sila ang magpapaayos ng Templo.

9Kumuha si Jehoiada ng kahon at binutasan ang takip nito. Pagkatapos, inilagay niya ito sa tabi ng altar, sa gawing kanan papasok sa Templo ng Panginoon. Kung mayroong magbibigay ng pera sa Templo, ang mga paring nagbabantay sa pintuan ang maglalagay nito sa kahon.

10Kapag puno na ang kahon, binibilang ng kalihim ng hari at ng punong pari ang pera at inilalagay nila ito sa mga lalagyan.

11Pagkatapos, ibibigay nila ang pera sa mga tao na namamahala sa pagpapaayos ng Templo. Ito ang ibinabayad nila sa mga nagtatrabaho sa Templo ng Panginoon – ang mga karpintero, mga mason, at iba pang mga manggagawa. Ito rin ang ginagamit nilang pambili ng kahoy at mga hinating bato para sa pagpapaayos ng Templo ng Panginoon. Binabayaran din nila ang iba pang mga gastusin sa pagpapaayos nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.