2 Mga Hari 12

Kapag puno na ang kahon, binibilang ng kalihim ng hari at ng punong pari ang pera at inilalagay nila ito sa mga lalagyan.

2 Kings 12:10 (UKJV) And it was so, when they saw that there was much money in the chest, that the king's scribe and the high priest came up, and they put up in bags, and told the money that was found in the house of the LORD.

8Pumayag ang mga pari na hindi na sila ang mangongolekta ng pera sa mga tao at hindi na rin sila ang magpapaayos ng Templo.

9Kumuha si Jehoiada ng kahon at binutasan ang takip nito. Pagkatapos, inilagay niya ito sa tabi ng altar, sa gawing kanan papasok sa Templo ng Panginoon. Kung mayroong magbibigay ng pera sa Templo, ang mga paring nagbabantay sa pintuan ang maglalagay nito sa kahon.

10Kapag puno na ang kahon, binibilang ng kalihim ng hari at ng punong pari ang pera at inilalagay nila ito sa mga lalagyan.

11Pagkatapos, ibibigay nila ang pera sa mga tao na namamahala sa pagpapaayos ng Templo. Ito ang ibinabayad nila sa mga nagtatrabaho sa Templo ng Panginoon – ang mga karpintero, mga mason, at iba pang mga manggagawa. Ito rin ang ginagamit nilang pambili ng kahoy at mga hinating bato para sa pagpapaayos ng Templo ng Panginoon. Binabayaran din nila ang iba pang mga gastusin sa pagpapaayos nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.