2 Mga Hari 12

Kaya ipinatawag ni Haring Joas si Jehoiada at ang iba pang mga pari at tinanong, “Bakit hindi pa ninyo naipapaayos ang Templo? Simula ngayon, huwag na ninyong gagastusin ang mga pera para sa sarili ninyong pangangailangan. Dapat gastusin ito sa pagpapaayos ng Templo.”

2 Kings 12:7 (UKJV) Then king Jehoash called for Jehoiada the priest, and the other priests, and said unto them, Why repair all of you not the breaches of the house? now therefore receive no more money of your acquaintance, but deliver it for the breaches of the house.

5Gamitin ninyo ang lahat ng ito sa pagpapaayos ng Templo.”

6Gayunpaman, hanggang sa ikadalawampuʼt tatlong taóng paghahari ni Joas, hindi pa rin naipapaayos ng mga pari ang Templo.

7Kaya ipinatawag ni Haring Joas si Jehoiada at ang iba pang mga pari at tinanong, “Bakit hindi pa ninyo naipapaayos ang Templo? Simula ngayon, huwag na ninyong gagastusin ang mga pera para sa sarili ninyong pangangailangan. Dapat gastusin ito sa pagpapaayos ng Templo.”

8Pumayag ang mga pari na hindi na sila ang mangongolekta ng pera sa mga tao at hindi na rin sila ang magpapaayos ng Templo.

9Kumuha si Jehoiada ng kahon at binutasan ang takip nito. Pagkatapos, inilagay niya ito sa tabi ng altar, sa gawing kanan papasok sa Templo ng Panginoon. Kung mayroong magbibigay ng pera sa Templo, ang mga paring nagbabantay sa pintuan ang maglalagay nito sa kahon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.