8at ginaya nila ang mga kasuklam-suklam na ginagawa ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan nila. Sumunod din sila sa kasuklam-suklam na pamumuhay ng mga hari nila.
9Palihim din silang gumawa ng mga bagay na hindi nakalulugod sa Panginoon na kanilang Diyos. Gumawa rin sila ng mga sambahan sa matataas na lugar sa lahat ng bayan mula sa pinakamaliit na nayon hanggang sa malalaking lungsod.
10Nagpatayo sila ng mga alaalang bato at mga posteng imahen ng diyosang si Ashera sa ibabaw ng bawat matataas na burol at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy.
11Nagsunog sila ng mga insenso sa bawat sambahan sa matataas na lugar katulad ng ginagawa ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan nila. Gumawa sila ng mga kasuklam-suklam na bagay na nakapagpagalit sa Panginoon.
12Sumamba sila sa mga diyos-diyosan kahit na sinabi ng Panginoon, “Huwag kayong sasamba sa mga diyos-diyosan.”