6Nang ikasiyam na taon ng paghahari ni Hosea, sinakop ng hari ng Asiria ang Samaria at dinala ang mga taga-Israel sa Asiria bilang mga bihag. Pinatira niya sila sa lungsod ng Hala, sa mga lugar na malapit sa Ilog ng Habor sa Gozan at sa mga lungsod ng Media.
7Nangyari ito sa mga taga-Israel dahil nagkasala sila sa Panginoon na kanilang Diyos na naglabas sa kanila sa Ehipto at nagpalaya mula sa kapangyarihan ng Faraon ng Ehipto. Sumamba sila sa mga diyos-diyosan
8at ginaya nila ang mga kasuklam-suklam na ginagawa ng mga bansang pinalayas ng Panginoon sa pamamagitan nila. Sumunod din sila sa kasuklam-suklam na pamumuhay ng mga hari nila.
9Palihim din silang gumawa ng mga bagay na hindi nakalulugod sa Panginoon na kanilang Diyos. Gumawa rin sila ng mga sambahan sa matataas na lugar sa lahat ng bayan mula sa pinakamaliit na nayon hanggang sa malalaking lungsod.
10Nagpatayo sila ng mga alaalang bato at mga posteng imahen ng diyosang si Ashera sa ibabaw ng bawat matataas na burol at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy.